Lagay ng panahon, mananatiling maalinsangan sa darating na weekend ayon sa Pagasa
Patuloy na makakaranas ng maaraw na panahon sa pagpasok ng Abril dahil sa patuloy na epekto ng easterly winds ayon sa state weather bureau.
Dagdag pa ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa), walang namumuong sama ng panahon sa ngayon sa loob ng Philippine area of responsibility (PAR).
“Sa ngayon nananatiling mababa ang tiyansa na magkaroon tayo ng bagyo sa loob ng ating Philippine area of responsibility sa susunod na tatlong araw dahil sa ngayon wala naman taong namamataang low pressure area sa loob at labas ng PAR,” wika ni Pagasa weather specialist Patrick Del Mundo sa kanilang public weather forecast.
Patuloy na magiging maalinsangan ang panahon pagdating ng tanghali at hapon ayon sa Pagasa.
Bagamat patuloy na umiiral ang easterlies o ang mainit na hangin mula sa karagatang Pasipiko, may posibilidad ng pulo-pulong pag-ulan, pagkidlat, at pagkulog pagdating ng hapon o gabi dagdag ni Del Mundo.
Sa tala ng Pagasa, posibleng umabot sa 34 degrees ang temperatura dahil pa rin sa epekto ng dry season.
Dahil sa matinding tag-init, pinapayuhan ang lahat ng magsuot ng preskong damit at uminom ng tubig maya’t maya para maiwasan ang heat stroke.
About Post Author
Bim Santos
Bim has been a journalist for television, radio, print, and online for many years covering business and news beats. He believes in the power of a good story.
More Stories
Mga siklista sa Antipolo, umaalma sa mga insidente ng nakawan; PNP, nangakong reresponde
Hinimok ng mga grupo ng siklista sa Antipolo ang lokal na pamahalaan na tugunan ang panibagong insidente ng mga ninanakawang...
Antipolo LGU, lumagda ng kasunduan sa isang bayan sa South Korea
Pumirma ng memorandum of undersanding ang lokal na pamahalaan ng Antipolo sa isang bayan sa South Korea para sa ilang...
Dalawang suspek mula Baras, timbog sa buy-bust ng mga pulis
Dalawang suspek ang arestado matapos mahulihan ng mga sachet ng hinihinalang shabu ng Antipolo police sa may Brgy. Mambugan, Antipolo...
Cable car station sa Antipolo na kakabit sa MRT-4, pinag-aaralan na
Pinagpipilian na ngayon ang ilang mga posibleng lugar kung saan itatayo ang cable car station.
Klase sa Antipolo at ibang bayan sa Rizal, suspendido dahil sa Bagyong Amang
Suspendido na ang mga klase sa Antipolo City at ibang mga bayan sa Rizal dulot ng epekto ng Bagyong Amang....
Tirahan para sa mga palaboy at walang masisilungan, binuksan ng Cainta LGU
“Sa kutson tayo matutulog ngayong gabi.” Ito ang mga binitawang salita ng isang naninirahan sa lansangan na inimbitang tumuloy sa...