Tirahan para sa mga palaboy at walang masisilungan, binuksan ng Cainta LGU

Read Time:1 Minute, 51 Second

“Sa kutson tayo matutulog ngayong gabi.”

Ito ang mga binitawang salita ng isang naninirahan sa lansangan na inimbitang tumuloy sa bagong bukas na One Cainta Shelter, na maari nang sadyain ng mga “walk-in” simula Abril 10, Lunes, Araw ng Kagitingan. Ang Cainta, Rizal ay isang karatig-munisipyo ng Lungsod ng Antipolo.

“Tatanggap na tayo ng mga ‘walk-in’ mula alas-singko ng hapon (5:30 pm) – sila yung mga kailangan ng tutulugan dahil sa iba’t ibang dahilan. Pakakainin pa rin natin sila, paliliguin, pagagamitan ng ‘comfort rooms’ at patutulugin ng libre sa shelter natin,” ani Johnielle Keith P. Nieto, Cainta Municipal Administrator, noong Abril 6, Huwebes Santo. Inilarawan niya ang mga papasok sa One Cainta Shelter bilang mga “boarder.”

Ang One Cainta Shelter, na binuksan noong Marso 28 para sa mga kinukuha ng munisipyong nainirahan sa lansangan, ay bukas sa mga boarder mula 5:30 pm hanggang 6 am sa susunod na araw. Maliban sa palikuran, mayroon rin itong lounge at telebisyon. Bibigyan rin ang mga boarder ng sabon, shampoo, sipilyo, toothpaste, damit, at hapunan ang mga boarder.

Binuksan ng lokal na pamahalaan ng Cainta ang shelter para bigyan ng matutulugan ang mga palaboy sa naturang munisipalidad. (Litrato mula sa Facebook page ni Cainta Cainta Municipal Administrator Johnielle Keith Pasion Nieto)

Ayon rin kay Nieto, na dating Alkalde ng Cainta, Rizal, papakainin ng almusal ang mga boarder. Pitong (7) araw naman na sasagutin ng Jollibee Foods Corporation ang kanilang mga hapunan.

Itinatag ang One Cainta Shelter upang magsilbing pansamantalang pabahay para sa mga pulubi at palaboy na kadalasan sa mga lansangan o “waiting shed” tumutuloy. Ayon kay Nieto, nagsilbing inspirasyon ang pelikulang The Pursuit of Happyness, kung saan tumuloy ang pangunahing tauhan na si Chris Gardner (na ginanap ni Will Smith) at ang kanyang anak sa isang “homeless shelter” sa Lungsod ng San Francisco.

Ang “homelessness” o pagkawala ng tirahan ay isang pangunahing hamon sa Pilipinas. Ayon sa grupong Habitat for Humanity, ang kakulangan sa sapat na pabahay ay matinding halimbawa ng hindi pagkakapantay-pantay sa bansa. Ang kasalukuyang “backlog” sa pabahay ay maaring umakyat sa 22 milyon nay unit pagsapit ng 2040, ayon sa datos mula sa Kagawaran ng Pananahanang Pantao at Pagpapaunlad ng Kalunsuran (DHSUD).

Happy
Happy
0 %
Sad
Sad
0 %
Excited
Excited
0 %
Sleepy
Sleepy
0 %
Angry
Angry
0 %
Surprise
Surprise
0 %
Previous post Alamin: Mga modus na dapat iwasan ng mga mag-a-Alay Lakad ayon sa PNP
Next post ‘I was a scavenger once’: A Holy Week reflection