Antipolo LGU, lumagda ng kasunduan sa isang bayan sa South Korea

Read Time:48 Second

Pumirma ng memorandum of undersanding ang lokal na pamahalaan ng Antipolo sa isang bayan sa South Korea para sa ilang economic projects.

Ayon kay Antipolo City Mayor Casimiro “Jun” Ynares III, pinirmahan ng siyudad ang kasunduan sa pagitan ni Mun In, mayor ng Bukgu District, Gwangju City, South Korea bilang tanda ng cooperative partnership sa larangan ng kaunlarang pang-ekonomiya.

Antipolo City Mayor Casimiro “Jun” Ynares III at si Mun In, mayor ng Bukgu District, Gwangju City, South Korea. (Kuha mula sa Antipolo City LGU)

“We are thankful to the LGU of Bukgu District because they see Antipolo as an attractive city that is known for its agriculture and other industries, and beautiful mountains,” wika ni Ynares.

Dagdag pa ni Ynares, parehas ang Antipolo at Bukgu District na dinarayo ng mga deboto at nasa bulubunduking lugar.

“We are deeply honored for this partnership. May the MOU signing be the symbol of our lifelong accord and fruitful affiliation,” ani Ynares.

Happy
Happy
0 %
Sad
Sad
0 %
Excited
Excited
0 %
Sleepy
Sleepy
0 %
Angry
Angry
0 %
Surprise
Surprise
0 %
Previous post Dalawang suspek mula Baras, timbog sa buy-bust ng mga pulis
Next post Antipolo chocolatier Krone: ‘We want to build something extraordinary’