Cable car station sa Antipolo na kakabit sa MRT-4, pinag-aaralan na
Inupuan na ng mga kawani ng local at national government ang planong pagtatayo ng cable car station sa Antipolo.
Ayon kay Antipolo City Mayor Casimiro “Jun” Ynares III, isang meeting na ang sinagawa kasama ang mga taga-Department of Transportation (DOTr) ukol sa balak na gawing cable car connection mula sa MRT-4 hanggang sa Antipolo.
Sa naturang pagpupulong umano nilatag ang ilang mga tinitignang lugar kung saan puwedeng itayo ang naturang cable car station.
Ilan sa mga tinitignang lugar para tayuan ng cable car station ang Rizal Provincial Capitol Compound, University of Rizal System o URS, Sitio Kaila at iba pa. Sa naturang istasyon maaring itayo ang cable car na magkokonekta sa MRT-4.
Paliwanang ni Ynares, ang “cable car ay magsisilbing feeder system para sa MRT-4. Ibig sabihin, ang cable car ay hindi magiging kompetensya kundi magkokonekta sa existing transport system upang mas maging maayos ang transport system sa ating lungsod.”
“Pag-aaral palang. Sana maging maganda ang resulta para matuloy. Wala naman imposible sa panahon ngayon,” dagdag pa ni Ynares.
Noong Agosto ng nakaraang taon, inanunsiyo ni Ynares na magsasagawa ang Asian Development Bank (ADB) ng pre-feasibility study para pag-aralan ang cable car connection sa itatayong MRT-4, na mula N. Domingo hanggang Taytay.
Ang ADB rin ang magpopondo sa MRT-4. Ngayong taon inaasahang pipirmahan ang $1 billion loan agreement mula sa ADB para maumpisahan ang naturang MRT-4 rapit transit line.
Ilan sa mga nagmungkahi na gamitin dati ang cable car para maibsan ang problema sa trapik sa Metro Manila ay sina Sen. Robin Padilla at dating DOTr Sec. Arthur Tugade.
Wika ni Ynares sa isang 2019 column sa Manila Bulletin, ay minungkahi na ng urban planner na si Felino “Jun” Palafox, Jr. ang pagtatayo ng cable car na babiyahe sa Antipolo-OPrtigas-Makati.
“Palafox’s idea has been proven to be worthwhile pursuing. In fact, the ADB has allocated the amount of US$261,000 for a pre-feasibility study. According to the Terms of Reference issued by the ADB, the study will help assess options ‘to increase the impact of MRT 4’s development’ through the integration of a cable cars connecting the ‘densely populated urban areas of Antipolo hillside cities.’” wika ni Ynares.
Bim has been a journalist for television, radio, print, and online for many years covering business and news beats. He believes in the power of a good story.