Mungkahing paid menstrual leave, mainit na usapin ngayon

Read Time:3 Minute, 30 Second

Isang panukalang batas sa Kongreso na layong bigyan ang mga kababaihan ng dalawang araw na paid leave kada buwan ang usap-usapan ngayon.

Layon ng House Bill No. 7758 na sinumite ni Gabriela Party-list Rep. Arlene Brosas na mabigyan ng naturang paid menstrual leave ang mga babaeng empleyado sa mga pampubliko at pribadong kumpanya.

Sa kaniyang explanatory note, sinabi ni Brosas na kailangan ngayon magpatupad ng mga batas para suportahan ang mga kababaihan. Nasa 45-95% umano ng mga babae ang dumaranas ng dysmenorrhea, na isang masakit na uri ng pagreregla. Ilang mga bansa na rin umano ang nagpatupad ng mga menstrual leave ayon kay Brosas.

“As many local government units in the Philippines lead the implementation of such pro-women legislation, the national government must also pass a law to institutionalize menstrual leave with one hundred percent daily remuneration to all female employees in the private and public sectors,” wika ni Brosas.

“In sum, there is a need to provide women with the flexibility and support they need to manage their reproductive health without the fear of negative consequences such as losing pay, falling behind in work, or facing disciplinary action. Thus, the immediate passage of this bill is earnestly sought.”

Pero umani na ng ilang pagtutol ang naturang panukala.

Ayon sa National Economic and Development Authority, marami pang hamon na kinakaharap ngayon ang mga kababaihan sa labor market.

Hiring prospect

“Maternity leave, paternity leave and now, menstrual leave – all with pay. Next time, a legislative measure will be filed mandating menopause and andropause allowances to increase the testosterone levels of workers,” wika ng dating senador na si Panfilo Lacson sa kaniyang Twitter account.

Ani Lacson, puwedeng makayanan ng mga malalaking kumpanya ang pagbibigay ng karagdagang leave pero hindi ang mga maliliit na mga negosyo, na bumubuo sa bulto ng bilang ng mga negosoy sa bansa.

Parehas din ang naging punto ni Sergio Ortiz-Luis Jr., ang presidente ng Employers Confederation of the Philippines, sa isang panayam ng Inquirer.

“Let’s not overdo it. That’s equivalent to 24 days a year. That’s an additional one month of bonus if converted. Big business can likely handle the added cost. But businesses of that size are very few in number,” wika ni Ortiz-Luis sa Inquirer.

Wika ni Ortiz-Luis, maari ring makaapekto ito sa hiring prospect ng mga babae sa mga kumpanya.

Hamon sa mga kababaihan

Sa ulat naman ng GMA, sinagot ni Brosas na hindi sapat ang panukalang paid menstrual leave para mapagaan ang pasanin ng mga kababaihan sa trabaho.

Ayon sa isang press release ng National Economic and Development Authority (NEDA), bagamat marami nang naatim sa kampanya para sa gender equality at women empowerment, marami pa rin kailangang gawin.

“While our country may have come a long way, it is undeniable that challenges for women persist to this day, including participation in the labor force and attaining equal opportunities in the workplace,” wika ng NEDA.

Ayon sa tala ng Philippine Statistics Authority (PSA), nananatiling mababa ang Labor Force Participation Rate ng mga babae kumpara sa mga lalaki. Sa 2020 report ng PSA, nasa 34.5 percent ang LFPR ng mga babae kumpara sa 54.8 percent sa mga lalaki.

Sa pag-aaral ng NEDA noong 2019, lumabas na ang pagpapakasal at childbearing ang pinakanakaka-apekto sa pagpasok ng mga babae sa labor force. Ang mga babae na kasal o nasa consensual union umano ay 40 percent less likely na lumahok sa labor market kumpara sa mga single na babae.

Bukod dito, laganap pa rin ang stereotyped gender roles ayon sa naturang pag-aaral. Dahil dito, mas marami pa ring babae ang nilalagay sa mga domestic at reproductive na gawain kumpara sa mga lalaki na mas na-a-assign sa mga “economic and productie” na trabaho.

“Women today still face challenges that have to do with gender stereotypes that affect their opportunities for work. This situation is not only detrimental to the development of our values as a society, but also to the growth of our economy. Regardless of gender, lower labor force participation translates to lower productivity and slower GDP growth,” wika ni NEDA Undersecretary for Policy and Planning Rosemarie G. Edillon.  

About Post Author

Bim Santos

Bim has been a journalist for television, radio, print, and online for many years covering business and news beats. He believes in the power of a good story.
Happy
Happy
0 %
Sad
Sad
0 %
Excited
Excited
0 %
Sleepy
Sleepy
0 %
Angry
Angry
0 %
Surprise
Surprise
0 %
Previous post Lagay ng panahon, mananatiling maalinsangan sa darating na weekend ayon sa Pagasa
Next post Pursigidong bata, naiyak matapos regaluhan ng bagong bisikleta