Klase sa Antipolo at ibang bayan sa Rizal, suspendido dahil sa Bagyong Amang

Read Time:1 Minute, 12 Second

Suspendido na ang mga klase sa Antipolo City at ibang mga bayan sa Rizal dulot ng epekto ng Bagyong Amang.

Bukod sa Antipolo, suspendido na rin ang mga klase sa lahat ng antas ng paaralan sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa:

  • Baras,
  • Montalban,
  • Pililla,
  • Tanay,
  • Taytay, at
  • Morong.

Sa isang Facebook post, sinabi ni Rizal Governor Nina Ynares na alinsunod sa Department of Education Order 37 series of 2022, automatic ang mga naturang suspensyon kapag may paparating na bagyo.

Base sa pinakahuling bulletin na nilabas ng PAGASA kaninang 11 PM ng April 12, nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 sa mga silangang bahagi ng Rizal. Ito ang mga bayan na automatic suspendido na ang mga klase.

Ang mga bayan ng Taytay at Morong ay nag-suspinde na rin kahit hinid nakataas ang signal No. 1 sa kanilang bayan. 

Pinayuhan naman nin Ynares ang mga estudyante sa mga kolehiyo na makipag-ugnayan sa kanilang school heads o local government units para malaman kung may pasok o wala.

Bukod sa mga nabanggit na bayan sa Rizal, nakataas din ang signal number one sa:

  • Catanduanes,
  • Albay,
  • Camarines Sur,
  • Camarines Norte,
  • Laguna (Cavinti, Lumban, Kalayaan, Paete, Pakil, Pangil, Siniloan, Famy, Santa Maria, Mabitac),
  • Aurora,
  • Quezon (Buenavista, Calauag, Infanta, Lopez, Guinayangan, Plaridel, Quezon, Alabat, Sampaloc, Mauban, General Nakar, Perez, Gumaca, Atimonan, Real, Tagkawayan, San Narciso) including Polillo Islands,
  • Bulacan (Norzagaray, Doña Remedios Trinidad), at
  • Nueva Ecija (Gabaldon, Bongabon, Laur, General Tinio)
Happy
Happy
0 %
Sad
Sad
0 %
Excited
Excited
0 %
Sleepy
Sleepy
0 %
Angry
Angry
0 %
Surprise
Surprise
100 %
Previous post ‘I was a scavenger once’: A Holy Week reflection
Next post Cable car station sa Antipolo na kakabit sa MRT-4, pinag-aaralan na