Dalawang suspek mula Baras, timbog sa buy-bust ng mga pulis

Read Time:1 Minute, 7 Second

Dalawang suspek ang arestado matapos mahulihan ng mga sachet ng hinihinalang shabu ng Antipolo police sa may Brgy. Mambugan, Antipolo City.

Base sa ulat ng Antipolo-Philippine National Police, dalawang suspek na taga Baras, Rizal na kinilalang sila Jonathan Cuya Caponpon at Ma. Viktoria Gomez Gongora ang inaresto. 

Nakuha umano sa mga suspek ang pitong piraso ng sachet na naglalaman ng humigit-kumulang 30 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng Php204,000.00.

Pinangunahan ang naturang operasyon ng hepe ng Antipolo PNP na si Police Lieutenant Colonel June Paolo Abrazado.

Nakumpiska ang mga hinihinalang sachet ng shabu at P500 na marked money ng Antipolo-PNP. (Kuha mula sa PNP)

Dinala na sa Rizal Provincial Forensic Unit ang mga suspek na nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 o Republic Act 9165.

“Ang sunud-sunod na matagumpay na operasyon ng Rizal PNP ay isang babala sa mga gumagawa ng labag sa batas na wala kayong puwang sa probinsya ng Rizal,” wika ng Antipolo-PNP sa isang pahayag. “Ang kapulisan ng Rizal ay  hindi titigil sa pagta trabaho upang mapigilan ang paglanap ng ilegal na droga at pagkakaroon ng di lisensyadong baril. Sinisiguro ng Rizal PNP na ang mga mamayan at probinsya ng Rizal ay ligtas mula sa mga ilegal na aktibidad, illegal drugs at kriminalidad.”

Happy
Happy
0 %
Sad
Sad
0 %
Excited
Excited
0 %
Sleepy
Sleepy
0 %
Angry
Angry
0 %
Surprise
Surprise
0 %
Previous post Cable car station sa Antipolo na kakabit sa MRT-4, pinag-aaralan na
Next post Antipolo LGU, lumagda ng kasunduan sa isang bayan sa South Korea