Higit isang milyong halaga ng shabu, nakumpiska sa may Brgy. San Luis

Read Time:33 Second

Aabot diumano sa higit isang milyon ang halaga ng iligal na drogang nasabat ng mga pulis sa Sitio Culasisi, Brgy. San Luis, Antipolo City.

Ayon sa ulat ng Rizal Police Provincial Office, inaresto ang isang suspek na mula umano pa sa Quezon City sa naturang operasyon noong ika-16 ng Marso.

Kinumpiska umano mula sa suspek ang siyam na pakete ng hinihinalang shabu na may halagang P1.02 million. Matapos markahan, inimbentaryo at kinuhanan ng litrato ang mga naturang droga bago dalhin sa Rizal Provincial Forensic Unit.

Nakakulong ngayon sa Antipolo Custodial Facility ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

About Post Author

Bim Santos

Bim has been a journalist for television, radio, print, and online for many years covering business and news beats. He believes in the power of a good story.
Happy
Happy
0 %
Sad
Sad
0 %
Excited
Excited
0 %
Sleepy
Sleepy
0 %
Angry
Angry
0 %
Surprise
Surprise
0 %
Previous post Trip to Taktak
Next post Antipolo inks agreement with DOH to strengthen drug rehab program