Antipolo Cathedral, ganap nang isang ‘international shrine’

Read Time:1 Minute, 21 Second

Isa nang “international shrine” ang Antipolo Cathedral base sa binabang decree ng Santo Papa na epektibo ika-25 ng Marso.

Pormal na inanunisyo ni Bishop Francisco de Leon, Archdiocese ng Antipolo, sa isang recorded message ang pagiging international shrine ng simbahan sa isang misa alas otso ng umaga ng March 25.

“This is a momentous occasion for our community and is a testament to the faith of our devotees,” wika ni de Leon.

Pormal na inanunsiyo ng Antipolo Cathedral sa isang misa ang pagiging ‘international shrine’ ng dambana. Kuha mula sa The Antipolo Cathedral / Facebook

Hinimok din ni Shrine Rector Fr. Reynante Tolentino sa misa ang simbahan na ipagdiwang at ipagpasalamat ang naturang okasyon.

Nagsagawa ng prusisyon ang simbahan alas sais ng gabi upang ipagdiwang ang pagiging international shrine ng dambana.

Naglabas naman ng pahayag si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. 

“Nakikiisa tayo sa kapwa nating Katoliko sa pagdiriwang sa deklarasyon ng Vatican sa Antipolo Cathedral bilang kauna-unahang international shrine sa bansa at ikatlo sa buong Asya,” wika ni Marcos, Jr.

“Nawa’y palalimin pa ng karangalang ito ang pananampalataya ng bawat isa.”

Kasabay din ng pagiging epektibo ng papal decree ang anibersaryo ng paglalayag ng imahe ng Our Lady of Peace and Good Voyage mula sa bayan ng Acapulco sa Mexico 397 na taon na ang nakalipas. 

Matapos ang tatlong buwang paglalayag na dumaan sa bagyo at muntikang pagka-sunog, ligtas na nakadaong ang galleon sakay ang Mahal na Birhen sa Pilipinas noong ika-18 ng Hunyo, 1626. Dahil dito, tinawang ang imahe na Mahal na Birhen ng Kapayapaan at Mabuting Paglalakbay.

About Post Author

Bim Santos

Bim has been a journalist for television, radio, print, and online for many years covering business and news beats. He believes in the power of a good story.
Happy
Happy
100 %
Sad
Sad
0 %
Excited
Excited
0 %
Sleepy
Sleepy
0 %
Angry
Angry
0 %
Surprise
Surprise
0 %
Previous post Antipolo Cathedral, magsasagawa ng misa’t prusisyon para ipagdiwang ang pagiging ‘international shrine’
Next post A curious closet, the country’s first carinderia, and other stories surrounding the Antipolo Cathedral