Pagtalaga sa Antipolo Cathedral bilang ‘International Shrine’, nakatakda na
Puspusan na ngayon ang paghahanda ng The Antipolo Cathedral para sa nakatakdang banal na deklarasyon ng katedral bilang isang “international shrine.”
Natanggap ng naturang simbahan mula sa Holy See ang opisyal na decreee noong March 13, kasabay ng ika-sampung anibersaryo ni Pope Francis bilang pinuno ng Simbahang Katolika.
“It’s official. We are now elevated into an international shrine,” pahayag ng simbahan. “The decree has been sent to us by the Holy See and will be effective by March 25, 2023.”
Kasabay din ng naturang deklarasyon sa March 25 ang anibersaryo ng paglalayag ng imahe ng Our Lady of Peace and Good Voyage mula sa bayan ng Acapulco sa Mexico 397 na taon na ang nakalipas.
Sa bisa ng naturang papal decree, ang National Shrine of Our Lady of Peace and Good Voyage o mas kilala sa Antipolo Cathedral ang magiging unang International Shrine sa Southeast Asia at pang-labing isa sa buong bansa.
“We are now in full anticipation of the solemn declaration of our international shrine in the coming months,” dagdag pa ng simbahan.
Kilala ang naturang imahe ng Mahal na Birhen na dinarayo ng mga deboto at ilang namamanata na nais humiling ng gabay at proteksyon bago ang kanilang paglalakbay.
About Post Author
Bim Santos
Bim has been a journalist for television, radio, print, and online for many years covering business and news beats. He believes in the power of a good story.
More Stories
Mga siklista sa Antipolo, umaalma sa mga insidente ng nakawan; PNP, nangakong reresponde
Hinimok ng mga grupo ng siklista sa Antipolo ang lokal na pamahalaan na tugunan ang panibagong insidente ng mga ninanakawang...
Antipolo LGU, lumagda ng kasunduan sa isang bayan sa South Korea
Pumirma ng memorandum of undersanding ang lokal na pamahalaan ng Antipolo sa isang bayan sa South Korea para sa ilang...
Dalawang suspek mula Baras, timbog sa buy-bust ng mga pulis
Dalawang suspek ang arestado matapos mahulihan ng mga sachet ng hinihinalang shabu ng Antipolo police sa may Brgy. Mambugan, Antipolo...
Cable car station sa Antipolo na kakabit sa MRT-4, pinag-aaralan na
Pinagpipilian na ngayon ang ilang mga posibleng lugar kung saan itatayo ang cable car station.
Klase sa Antipolo at ibang bayan sa Rizal, suspendido dahil sa Bagyong Amang
Suspendido na ang mga klase sa Antipolo City at ibang mga bayan sa Rizal dulot ng epekto ng Bagyong Amang....
Tirahan para sa mga palaboy at walang masisilungan, binuksan ng Cainta LGU
“Sa kutson tayo matutulog ngayong gabi.” Ito ang mga binitawang salita ng isang naninirahan sa lansangan na inimbitang tumuloy sa...