Ilang mga kalsada sa Antipolo City, isasara sa April 1
Isasara ang ilang mga kalsada sa Antipolo City para magbigay-daan sa gagawing selebrasyon ng ika-25 na anibersaryo ng siyudad sa April 1, araw ng Sabado.
Ayon sa anunsiyo ni Antipolo City Mayor Casimiro “Jun” Ynares III, magkakaroon ng float parade sa araw ng anibersaryo na may temang “Disney Pixar Movies.” Magsisimula ang naturang parada mula sa Sumulong Park at magtatapos sa Ynares Center.
Narito ang tinakdang ruta at oras ng parada:
ASSEMBLY TIME: 1:00 PM / Sumulong Park
Mula 1:00 PM hanggang 7:00 PM ay isasarado ang mga kalsada mula Masangkay St./P. Oliveros St. papuntang M.L Quezon St.
RUTA NG PARADA: Magsisimula ng 3:30 PM at inaasahang magtatapos ng 7:00 PM.
• Mula Sumulong Park papuntang P. Oliveros Street
• Kanan sa General Luna Street
• Kanan sa C. Lawis Street
• Kanan sa Sto. Niño Street
• Kanan sa J. Sumulong Street
• Kaliwa sa M.L. Quezon Street papuntang Shopwise
• Mula Shopwise, kanan sa Circumferential Road papuntang Ynares Center.
Pagbabawal din ang pagparada sa mga nakalaan na one-side parking sa C. Lawis at Sto Niño St mula 12 PM hanggang makadaan ang parada.
Gagawin namang two-lane ang kabilang lane ng Circumferential Road na daraanan ng parada para magbigay-daan sa mga motorista sa oras ng parada.
Pormal nang tinakda ng Malacanang na special non-working holiday ang April 4 sa siyudad ng Antipolo bilang pagdiriwang sa ika-25 na cityhood anniversary ng Antipolo.
Naging component city ang Antipolo sa bisa ng Republic Act No. 8508 na pinatupad noong ika-13 ng Pebrero, 1998. Niratipika ito sa isang plebesito ika-4 ng Abril sa parehong taon.
About Post Author
Bim Santos
Bim has been a journalist for television, radio, print, and online for many years covering business and news beats. He believes in the power of a good story.
More Stories
Mga siklista sa Antipolo, umaalma sa mga insidente ng nakawan; PNP, nangakong reresponde
Hinimok ng mga grupo ng siklista sa Antipolo ang lokal na pamahalaan na tugunan ang panibagong insidente ng mga ninanakawang...
Antipolo LGU, lumagda ng kasunduan sa isang bayan sa South Korea
Pumirma ng memorandum of undersanding ang lokal na pamahalaan ng Antipolo sa isang bayan sa South Korea para sa ilang...
Dalawang suspek mula Baras, timbog sa buy-bust ng mga pulis
Dalawang suspek ang arestado matapos mahulihan ng mga sachet ng hinihinalang shabu ng Antipolo police sa may Brgy. Mambugan, Antipolo...
Cable car station sa Antipolo na kakabit sa MRT-4, pinag-aaralan na
Pinagpipilian na ngayon ang ilang mga posibleng lugar kung saan itatayo ang cable car station.
Klase sa Antipolo at ibang bayan sa Rizal, suspendido dahil sa Bagyong Amang
Suspendido na ang mga klase sa Antipolo City at ibang mga bayan sa Rizal dulot ng epekto ng Bagyong Amang....
Tirahan para sa mga palaboy at walang masisilungan, binuksan ng Cainta LGU
“Sa kutson tayo matutulog ngayong gabi.” Ito ang mga binitawang salita ng isang naninirahan sa lansangan na inimbitang tumuloy sa...