Antipolo Cathedral, magsasagawa ng misa’t prusisyon para ipagdiwang ang pagiging ‘international shrine’

Read Time:1 Minute, 51 Second

Magsasagawa ang Antipolo Cathedral ng isang misa at prusisyon sa ika-25 ng Marso para ipagdiwang ang pagiging “international shrine” ng simbahan.

“As one brethren, let us celebrate March 25 with joy and cheer,” saad ng The Antipolo Cathedral.

Pangungunahan ni Antipolo Bishop Francis Mendoza De Leon at ni Rev. Fr. Reynante Tolentino, ang shrine rector ng Antipolo Cathedral ang misa sa alas otso ng umaga. Dito opisyal na iaanunsiyo sa simbahan ang pag-apruba ng Vatican sa aplikasyon para maging international shrine ang Antipolo Cathedral.

Susundan ito sa alas-sai ng gabi ng isang prusisyon para sa Mahal na Birhen na Nuestra Senora Dela Paz Y Buenviaje.

“Aside from the Feast of the Annunciation of the Lord and the anniversary of the departure of the Our Lady of Antipolo from Acapulco, Mexico to the Philippines, this is the most awaited day of the Effectivity of Elevation of the International Shrine of Our Lady of Peace and Good Voyage,” dagdag pa ng simbahan.

Ang Antipolo Cathedral ang magiging natatanging international shrine sa Southeast Asia at pang labing isa lamang sa buong mundo.

Madalas nananampalataya ang mga deboto ng imahe ng Mahal na Birhen bago bumiyahe upang humiling ng ligtas na paglalakbay.

Wika ni Tolentino sa The Taktak Times, isang malaking karangalan ang pagiging international shrine ng Antipolo Cathedral.

“Tandaan po natin na ito’y isang responsibilidad natin bilang mga taga-Antipolo at mga deboto ng Mahal na Birhen. Kailangan mag-level up tayo, kailangan yung ating city pang-international,” wika ni Tolentino.

“Balikatin po natin ang responsibilidad na ito. Gawin natin ang ating magagawa para protektahan ang ating debosyon sa Mahal na Birhen at protektahan ang ating pananampalataya kay Hesus para manatiling international shrine ang Antipolo.”

Kasabay din ng pagiging epektibo ng papal decree sa March 25 ang anibersaryo ng paglalayag ng imahe ng Our Lady of Peace and Good Voyage mula sa bayan ng Acapulco sa Mexico 397 na taon na ang nakalipas. Matapos ang tatlong buwang paglalayag na dumaan sa bagyo at muntikang pagka-sunog, ligtas na nakadaong ang galleon sakay ang Mahal na Birhen sa Pilipinas noong ika-18 ng Hunyo, 1626. Dahil dito, tinawang ang imahe na Mahal na Birhen ng Kapayapaan at Mabuting Paglalakbay.

About Post Author

Bim Santos

Bim has been a journalist for television, radio, print, and online for many years covering business and news beats. He believes in the power of a good story.
Happy
Happy
0 %
Sad
Sad
0 %
Excited
Excited
0 %
Sleepy
Sleepy
0 %
Angry
Angry
0 %
Surprise
Surprise
0 %
Previous post Pagtatayo ng wind farm sa Tanay, kasado na
Next post <strong>Antipolo Cathedral, ganap nang isang ‘international shrine’</strong>