Pagtatayo ng wind farm sa Tanay, kasado na

Read Time:1 Minute, 11 Second

Magpapatuloy na ang planong pagtatayo ng mga windmill sa Tanay, Rizal matapos makuha ang isa sa mga kinakailangang permit sa proyekto.

Ayon sa project proponent na Alternergy Holdings Corp., inaprubahan na ng Civil Aviation Authority of the Philippines o CAAP ang height clearance para sa naturang 100-megawatt (MW) Tanay wind power project.

“This is a major permitting clearance for our Tanay Wind Power Project. With the height clearance from CAAP (Civil Aviation Authority of the Philippines), the project development can proceed,” wika ni Alternergy president Gerry P. Magbanua sa isang press release.

Stock photo mula sa Unsplash

Sa isang Facebook post, nagpasalamat din si Rizal Gov. Nina Ynares sa pag-apruba ng CAAP sa proyekto.

Ayon kay Ynares, mas mababawasan at mas bababa ang “dependence sa fossil fuels” ng lalawigan.

Ito ang magsisilbing pangalawang wind farm sa lalawigan ng Rizal, matapos ang 54-MW wind project na tinayo rin ng Alternergy noong 2015.

Wika ni Ynares, malaking tulong sa bayan at lalawigan ang panibaong proyekto.

“Magbibigay din ito ng karagdagang trabaho. Mas lalakas pa ang turismo tulad nang nagawa ng naunang Pililla Windfarm na project nung panahon ni dating Gov. Jun Ynares,” ani Ynares.

Taong 2015 nang bigyan ng Department of Energy ang Alternergy ng Wind Energy Service Contract, na nagbigay-permiso sa kumpanya para mag-develop ng wind power projects sa loob ng dalawampu’t limang taon sa ilang bayan sa Tanay, Rizal.

About Post Author

Bim Santos

Bim has been a journalist for television, radio, print, and online for many years covering business and news beats. He believes in the power of a good story.
Happy
Happy
0 %
Sad
Sad
0 %
Excited
Excited
0 %
Sleepy
Sleepy
0 %
Angry
Angry
0 %
Surprise
Surprise
0 %
Previous post Mga deboto at turista sa Antipolo, posibleng dumami pa dahil sa pagiging international shrine ng ‘Antipolo Cathedral’
Next post Antipolo Cathedral, magsasagawa ng misa’t prusisyon para ipagdiwang ang pagiging ‘international shrine’